BAYAMBANG, PANGASINAN – Binisita ng lokal na pamahalaan ng Basista ang production area ng Pangasinan State University Department of Science and Technology 1 Food Innovation Center (PSU DOST 1 FIC) kahapon, Oktubre 25, upang magsagawa ng benchmarking activity.
Layunin ng nasabing pagbisita ang pagkakaroon ng ideya at kaalaman sa pagtatayo ng naturang pasilidad sa bayan ng Basista.
Ilan sa mga dumalo ay sina Bb. Luisa Frias, G. Feliciano Marquez Jr., Bb. Maricris Montemayor, at G. Raymart Velasquez, ng LGU Basista Tourism Office.
Samantala, pinangunahan ni Bb. Meryl A. Bernardino, DOST Science Research Specialist, ang pagpapakilala sa mga produkto ng FIC at ang proseso sa paggawa nito.
Ayon sa LGU Basista, sila ay nasa proseso na ng promosyon ng kanilang mga lokal na produkto. Inaasahan din na ang naturang benchmarking activity ay makatutulong sa produksiyon ng mga lokal na produkto ng nasabing bayan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan nito.