Upang ikintal ang mga kasanayang panlipunan, kalakasan ng mga mag-aaral at itanim sa kanila ang kahalagahan ng pakikipagkapwa at ‘sportsmanship’, opisyal na sinimulan ng Pangasinan State University Laboratory Integrated School ang pagdiriwang ngayon taon ng PSU LIS Week na may temang ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐— ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—ข 2023: ๐™€๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™ฌ๐™š๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™–๐™—๐™ค๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ง๐™ž๐™–๐™ฃ๐™จ ๐™ฉ๐™๐™ง๐™ค๐™ช๐™œ๐™ ๐™– ๐˜พ๐™š๐™ก๐™š๐™—๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ค๐™› ๐™Ž๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™จ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™จ๐™๐™ž๐™ฅ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐˜พ๐™–๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™™๐™š๐™ง๐™ž๐™š ngayong araw, Mayo 22, sa harap ng PSU- BC Main Building.

Sinimulan ang naturang selebrasyon sa pambungad na parada sa loob ng kampus na agad namang sinundan ng maikling programa. Matapos ay naghatid ng pambungad na mensahe si Assoc Prof. Belinda S. Velasquez na siyang Tagapangulo ng LIS Elementary sinundan naman ng layuning pananalita mula kay Dr. Teresita P. Sunga ang Tagapangulo ng LIS High School.

Bilang pormal na simulan nagbigay ng mensahe ang isa sa mga kapita-pitagang guro at isa rin sa punong abala para sa selebrasyon, ang Principal ng PSU Laboratory Integrated School, Assoc. Prof Tuesday C. De Leon. “๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฌ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜‘๐˜ข๐˜ค๐˜ฌ ๐˜ข ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜บ,” wika ni Assoc. Prof De Leon. โ€œ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ญ๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ; ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ด ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ, ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ,โ€ dagdag ni De Leon, upang lubos na ikintal ang kahalagahan ng kakayahang makiisa at makipagkapwa.

Sinundan ito ng pag-uumpisa na ilan sa mga inihandang aktibidades para sa unang araw ng LIS Week.

Nagtagisan ng galing sa pagkamalikhain ang mga high school students sa Festival of Dance kung saan ay ibinida nila ang iba’t ibang pista dito sa Pilipinas. Nanguna rito ang Orange Phoenix para sa Sinulog Festival na sinundan ng Blue Falcons para sa Panagbenga Festival at Red Cardinals para naman sa Bangus Festival. Samantala, isinagawa naman ng mga Elementary students ang LIS Got talent na pinagbidahan ng mga talentadong estudyante. Ilan sa mga talentong naipamalas ng mga estudyante ng LIS Elementary ay ang pagsayaw at pag-awit.

Ilan pa sa mga inihandang mga gawain sa isang linggong selebrasyon ay ang Career Day, Parlor Games, at Family Day para sa Elementary at Battle of Bands, Cookfest, Shadow Play at Color and Water Fun Run naman sa High school.

Isasagawa ang isang linggong selebrasyon na may layuning makapagbigay ng ngiti sa mga labi, saya sa mga puso at pagkakataon upang maipakita ng mga estudyante ang kanilang natatanging galing sa iba’t ibang laranganโ€”isa sa mga adbokasiya ng PSU Bayambang sa pamumuno ni Dr. Ian D. Evangelista, Ehekutibong Direktor.